SampaSampalukan
Ang sampasampalukan ay isang maliit na halaman na karaniwang itinuturing na ligaw na damo. Madalas kasing tumutubo ito sa mga gilid ng kalsada, at mga bakanteng lote. Ang mga dahon na maliliit ay kahalintulad ng sampalok, habang ang mga buto naman ay tumutubo sa ilalim ng mga dahon. Maaari itong tumubo saan mang lugar sa Pilipinas. Ano ang mga sustansya at kemikal na maaaring makuha sa Sampasampalukan? Ang iba’t ibang bahagi ng sampasampalukan ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan: Ang halaman ay may taglay na flavonoids, alkaloids, terpenoids, lignans, polyphenols, tannins, coumarins, at saponins Ang mga dahon ay may taglay na phyllanthin, hypophyllanthin, lignans niranthin, nirtetralin at phyltetralin. Mayroon din itong potash Anong bahagi ng halaman ang ginagamit bilang gamot, at paano ginagamit ang mga ito? Ang buong halaman ng sampasampalukan ay nagagamit sa panggagamot. Ang buong halaman ay karaniwang nila...



